Bills para i-ban ang online na pasugalan ipinakilala sa Kongreso ng US

Inilabas noong 27 March 2014

Sa US, ang mga mambabatas ng Republican at Democratic political parties ay nagpakilala ng legislasyon sa House at Senate sa pagnanais na i-ban ang online na pasugalan sa bansa. Ang bills ay naglalayon na kunin ang parehong desisyon noong 2011 ni Attorney General Eric Holder na ang batas noong 1961 na nagban sa pasugalan sa internet ay nailagay lamang sa sports betting ayon sa Associated Press news agency.

Ang tatlong US states, ang New Jersey, Delaware at Nevada ang mga states na tanging nagkaroon ng legalisasyon sa online na pasugalan simula nang pagdinig noong 2011, subalit, ilan sa iba pang mga states ang kinukunsidera na gawin din ito.

Ang chief sponsor ng Repiblican ay si Senator Lindsey Graham mula sa South Carolina, habang sa House naman ay si Republican Jason Chaffetz mula sa Utah. Bawat bill ay mayroong co-sponsors mula sa parehong partido.

“Virtually kahit anong cellphone of kompyuter ay maaring maging video poker machine,” ayon kay Graham. ” Hindi tama ito.”

Ang Senate Majority Leader na si Harry Reid, ang Democrat mula sa Nevada ay mayroong sariling agenda at sinusuportahan nito ang legalisasyon ng online poker. Naniniwala siya na ang online poker ay laro ng kakayahan at hindi pasugalan.

Sa Nevada, ang Republican Senator na si Dean Heller ay pabor din sa internet poker at sinabi na nasa state ang desisyon kung nais nilang magbigay ng permiso sa online na pasugalan o hindi.

Ang tagapagsalita naman ni Heller ay nagsalita na ang Senator ay naniniwala na ang pagpapalawak ng online na pasugalan ay maaring di maging maganda para sa Nevada at para sa bansa.”