Laro ng Barahang Lucky 9

Ang Lucky 9 ay nakakaexcite na laro ng baraha kapareho ng Baccarat namalimit na nilalaro sa tahanan.

Para manalo sa larong Lucky 9 ang manlalaro ay dapat na magkaroon ng mas mataas na bilang laban sa banker. Para magawa ito, ang manlalaro ay dapat na magkaroon ng baraha na may kabuuang 9, o mas malapit sa 9 ng posible, gaya rin ng sa Baccarat.

Kapag ang kabuuan ng kamay ay lumampas sa 9, ang kalidad ay binabawasan ng 10 mula sa kabuuan.

Halimbawa, kapag ang manlalaro ay mayroong 8 na spades at 7 na hearts, ang kalidad ng kanyang kamay ay nagiging 5 (8 + 7 – 10 = 5).

Ang 10 at barahang may mukha (jacks, queens at kings) ay zero ang halaga, ang alas ay binibilang na isa, at lahat ng iba pang baraha ay may halaga ayon sa kanilang kalidad.

Heneral na Panuntunan ng Laro ng Barahang Lucky 9

  • Walang kamay ang makakatanggap ng mahigit sa tatlong baraha
  • Kapag ang kamay ng manlalaro at ng dealer ay pareho, ang “Stand-Off” o “Draw” ay idedeklara
  • Ang 10 at barahang may mukha (lahat ng jacks, queens at kings) ay zero ang halaga, ang alas ay may bilang na isa, at lahat ng ilan pang baraha ay binibilang ayon sa kalidad nito
  • Kapag ang kalidad ng baraha ay lumampas sa 9, ang kalidad ay babawasan ng 10 sa kabuuan

Paano Maglaro ng Laro ng Barahang Lucky 9

Sa umpisa ng bawat laro ng baraha na Lucky 9, ang dealer ay inihahanda ang baraha sa pagbalasa nito. Ang baraha ay ibinibigay sa manlalaro at sa dealer, magsisimula sa manlalaro sa kanyang kanan, magbibigay ng baraha na nakataob sa bawat manlalaro at sa kanya.

Kapag nakuha na ng lahat ang kanilang unang baraha, ang dealer ay mamimigay ng pangalawang baraha sa bawat manlalaro at sa kanya hanggang lahat a mayroon nang dalawang baraha.

Ang mga manlalaro, ay maaring tingnan ang kanilang baraha habang ang dealer ay namimigay ng baraha sa ilan pang manlalaro.

Ang kamay na may kabuuang 9 ay tinatawag na “naturals.” Halimbawa, ang kamay na mayroong 2 na spades a 7 na hearts ay may kabuuang 9; ang kamay ay tinatawag na natural.

Kapag ang manlalaro ay nakakuha ng natural, dapat niya agad itong ipakita sa dealer. Ang dealer a iaanunsiyo ang kabuuan, at ito ay ilalagay sa harap ng manlalaro. Ngunit, kapag ang dealer ay nagkaroon din ng natural, ito ay kinukunsidera na stand-off, draw o tie.

Kapag ang dealer ay nagkaroon ng natural, at wala sa manlalaro ay nagkaroon ng natural, ang dealer ang mananalo.

Kapag sinuman sa manlalaro o dealer ay nagkaroon ng natural, maari silang mag “stand” o mag”hit” (kumuha ng pangatlong baraha). Dito lalabas ang stratehiya, at ang masaya at nakakexcite na Lucky 9 ay magsisimula. Di gaya ng Baccarat, ang Lucky 9 ay walang striktong panuntunan sa pagkuha ng pangatlong baraha. Ito ay nasa manlalaro at ang dealer kung sila ay mag “hit” o mag “stand”.

Tandaan, ang kamay ay mas lumiliit matapos ito mag “hit”. Halimbawa, kapag ang iyong unang baraha ay may kabuuang 5 at ang pangatlong baraha na iyong nakuha ay 7 na diamond, ang iyong kamay ay may kabuuang 12. Ang kamay ay lampas sa 9, ang kalidad ay babawasan ng 10 mula sa kabuuan. Ngunit, ang iyong kamay ay babawasan ng 2.

Ang manlalaro na nasa kanan ng dealer ang unang magdedesisyon kung siya ay “stand” o “hit”; kasunod ng manlalaro sa kanyang kanan, at sa mga susunod pa.; Kapag lahat ng manlalaro ay nakapagdesisyon na, ito na ang tira ng dealer kung siya ay “stand” o “hit”. Sasabihin na ng dealer sa mga manlalaro na ipakita ang kanilang baraha at ang sa kanya.

Ang kabuuan ng bawat kamay ng manlalaro ay kinukumpara sa kamay ng dealer. Kapag ang kabuuan ng kamay ng manlalaro ay malapit sa 9 na mataas sa dealer, ang manlalaro ang nanalo. Subalit, kapag ang kamay ng manlalaro ay malapit sa 9 kaysa sa manlalaro, ang dealer ang nanalo.

Kapag ang manlalaro at ang dealer ay mayroong parehong kabuuan, ito ay kinukunsiderang stand-off, draw o tie.