Inilabas noong 26 March 2014
Ang Yggdrasil Gaming na inobatibong provider ng serbisyo para sa mga larong online ay inilabas ang Robotnik ang kanilang pangatlong laro ng video slot matapos ang tagumpay ng Jokerizer at Winterberries. Ilan sa mga kasosyo nito ang ilalabas din ang laro ngayon.
Ang Robotnik ay mataas na kalidad na laro ng video slot base sa modernong interpretasyon ng Strauss’s Blue Danube at Stanley Kubrick’s cult science fiction fna pelikula noong ‘2001: A Space Odyssey’. Ang laro ay umiikot sa 3D na karakter na Robotnik, na lalabas sa screen bilang ‘wilds’ at maglalabas ng bonus.
Ang bagong labas na laro ay siguradong magiging popular din kagaya ng Jokerizer at Winterberries, ang unang dalawang laro ng slot na inilabas ng Yggdrasil.
Ang Yggdrasil Gaming ay espesyalista sa slots at lottery pati narin sa progressive jackpot na mga laro. Ang provider ng mga laro ay kamakailang pumirma ng kontrata sa Unibet Casino & Games, Video Slots, Mr Green, Leo Vegas at Vera & John Casino para mabigyan ang kanilang mga manlalaro ng kabuuang suire ng 25 na mga laro at mga bagong offers.
Ayon kay Fredrik Elmqvist, ang founder at CEO ng Yggdrasil Gaming, “Ang aming porpolyo ng casino ay lumalaki ng mabilis at nais naming tumaas pa ito mula ngayon at hanggang sa pagtatapos ng taon. Ang pagiging paborito ng Jokerizer, Winterberries at ngayon ang Robotnik ay naging phenomenal at masaya kami sa aming mga kasosyo sa pagyakap at pagpromote sa kanila.
” Kami ay mabilis at mayroon kaming malakas na mga bagong nilalaman ng casino na ilalabas sa merkado sa nalalapit na panahon. Hindi na kami makapaghintay na ipakita sa inyo,” dagdag pa ni Elmqvist.